KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•tá•kaw

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Salitang-ugat
tákaw
Kahulugan

1. Mahilig at malakas kumain; madalas kumain o walang oras na hindi kumakain.
LABLÁB, MAPAGKAÍN

2. Mapagnasá sa pagkain.
MASIBÀ, TIMAWÀ

Idyoma
  • matákaw lámang ang matá
    ➞ Gustong kumain nang marami ngunit hindi kaya ng bibig.
    Matákaw lámang ang matá ng mga batà pero kapag pinakain na ay hindi nilá uubusin.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.