KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pá•wis

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Butil-butil ng tubig na lumalabas sa balát ng tao o hayop (lalo kung labis na napapagod, naiinitan, o natatakot).

2. Singaw na namumuo na bumabalot sa anumang sisidlan ng malamig na tubig.
HUNÁB

Paglalapi
  • • pagpapawís, pamamáwis, pampapáwis: Pangngalan
  • • pagpawísan, pawísan: Pandiwa
  • • pawisán, pawisín: Pang-uri
Idyoma
  • hindî natutuyuán ng páwis
    ➞ Walang tigil sa paggawa.
  • magpatulò ng páwis
    ➞ Gumawa nang gumawa upang may ikabuhay.
  • naliligò sa páwis
    ➞ Tigmak sa páwis; hiráp na hiráp sa gawain.
  • saríling pawis
    ➞ Sariling paghihirap o pagsisikap.
  • sa túlong ng páwis nanggagáling
    ➞ Ang pinagmumulan ay ang pagtatrabaho.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.