KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pú•tol

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkahiwalay ng isang bahagi na karugtong ng anuman (gaya ng maaaring gawin sa sanga ng punò).
LAGÓT, PATÍD

2. Paggamit ng patalim upang alisin ang bahaging ibig ihiwalay (lalo kung nakausli).

3. Tawag din sa bawat inihiwalay na bunga nitó.

4. Pagpapatigil sa ipinalalagay na hindi na dapat magpatuloy na gawain.

Paglalapi
  • • kapútol, pagkakapútol, pagkapútol, pagpútol: Pangngalan
  • • ipampútol, magpapútol, magpútol, mapútol, pagputól-putulín, pagputól-putúlin, pumútol, putúlan, putúlin: Pandiwa
  • • papútol-pútol: Pang-uri
Idyoma
  • kapútol ng púsod
    ➞ Kapatid.

pu•tól

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Hindi na buo o natanggal ang karugtong (gaya sa bahagi ng katawan).
LAGÓT, PATÍD

Paglalapi
  • • putól-putól: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.