KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•bu•yà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
buyà
Kahulugan

Anumang bagay na ibinibigay bílang ganti sa mabuting gawain, lalo na kung nagbalik ng anumang nawawalang gámit, nakahanap ng tinutugis na kriminal, at katulad.
Dahil sa pagbabalik niya ng napulot na selpon, binigyan siya ng pabuyà.
GANTIMPALÀ, KALOÓB, PRÉMYO

Paglalapi
  • • pabuyáan, magpabuyà, ipabuyà: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?