KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pag•ki•lá•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
kilála
Kahulugan

1. Anumang pagsang-ayon o pag-amin na tunay o totoo ang isang bagay.
Kahanga-hanga ang pagkilála mo sa iyong pagkakamali.

2. Anumang pag-alam o pagpapatunay na ang isang tanging bagay, tao, atbp. ay talagang iyon nga.
Nangangailangan ng tulong ng mga dalubhasa ang pagkilála sa isang lagda.

3. Pagtanggap na ang anuman ay may bisà o may karapatang isaalang-alang o kilalanin.
Labag sa batas ang hindi nila pagkilála sa ipinása kong dokumento.

4. Anumang pagpapahalaga sa kabutihan, paglilingkod, kanais-nais na katangian, atbp. ng isang tao.
Hindi niya isinasantabi ang pagkilála ng utang-na-loob sa táong tumulong sa kaniya.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.