KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•lú•git

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
lúgit
Kahulugan

1. Anumang panahong idinagdag sa takdang araw na napagkasunduan upang makatupad sa tungkulin o pananagutan (gaya ng sa utang, buwis, atbp.).
Limang araw ang palúgit sa pagtubos ng lupang isinangla.
ALÁWANS, EKSTENSIYÓN, PLÁSO

2. Puwang sa gilid ng anumang nakasulat o nakalimbag sa isang pahina.
Lagyan mo ng palúgit ang isusulat na sanaysay upang magmukhang pormal.

3. Paglamáng sa kalaro (lalo na sa karera).

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.