KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

par•ti•ku•lár

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
particular
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Nauukol sa anumang natatangi sa iba o may malinaw na tinutukoy (sa halip na panlahat).
Isang partikulár na pangyayari sa kaniyang búhay ang hindi niya malilimutan.
ESPESÍPIKÓ

2. Hindi karaniwan o espesyal para sa anumang tungkulin.
Ang upuang binili nila ay partikulár sa pagpapanatili ng maayos na postúra.

3. Hindi madalíng masiyahan at mahilig tumiyak na angkop ang lahat ng detalye.
Partikulár si Naomi sa pananamit.
MASÉLAN, MAÁRTE

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.