KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

plás•tik

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
plastic
Pinagmulang Wika
Ingles
Kahulugan

1. Artipisyal na substance na maaaring hubugin kapag malambot at sakâ pinatitigas (gaya ng karaniwang bote ng tubig na nabibili).

2. Tingnan ang súpot

plás•tik

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
plastic
Pinagmulang Wika
Ingles
Kahulugan

1. Yarì sa plastik.

2. Mapagkunwari o hindi totoong ugali ang ipinakikita sa kapuwa.

Paglalapi
  • • kaplástikán, pamamlástik, plastíkan: Pangngalan
  • • nakaplástik: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?