KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pri•bá•do

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
privado
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Pansarili o para sa tanging pangkat; may limitasyon sa iba.
Hindi ako magbibigay sa iyo ng pribádong impormasyon.
KUMPIDENSIYÁL

2. Nása isang pook na hindi lantád.
Gusto kong ikasal sa lugar na pribádo.

3. Hindi pag-aari ng pámahalaán.
Empleado ako sa isang pribádong kompanya.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?