KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pun•tó

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

LINGGUWISTIKA Tanging estilo ng pagsasalita, karaniwang ayon sa pinanggalingang pangkat, rehiyon, o bansa.
Halata ang naiibang puntó niya dahil hindi siya rito lumaki.
ASÉNTO, ACCENT

pún•to

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Tingnan ang láyon
Pagtulong sa kapuwa lang ang púnto ng lahat ng ito.

2. Ang ibig talagang sabihin sa isang pahayag.
Ano ba talaga ang púnto mo?

3. Tukóy na bahagi, pook, o yugto.
Sa isang púnto, napaisip din kami kung bakit nagkaganoon ang bagay-bagay.

4. Tingnan ang tuldók
Lagyan ng púnto ang numero bago ang desimal.

Paglalapi
  • • pinúnto, púntuhín: Pandiwa

pún•to de bís•ta

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
punto de vista
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

Tingnan ang pananáw

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.