KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pu•tók

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagpapalabas ng bala sa baril, kanyon, at iba pang katulad na sandata o ang tunog na nalilikha nitó.

2. Biglang pagkasira ng anumang bagay na lumikha ng malakas na ingay.

3. Pagkabasag ng marurupok na bagay (gaya ng baso) kapag nilagyan ng mainit na tubig.

4. Pagbuka ng balát ng mga bungangkahoy dahil sa matinding init ng araw.

5. Biglang pagkalat ng balita tungkol sa isang lihim.

6. Paglabas ng tinayang numero sa sugal (lalo kung sa huweteng).

7. Kolokyal na tawag sa anghit.

Paglalapi
  • • paputók: Pangngalan
  • • putók, magpaputók, paputukán, paputukín, pumutók, magputók: Pandiwa
  • • pumuputók, putók-putók: Pang-uri

pu•tók

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Uri ng maliit, matigas, at bilog na tinapay sa Pilipinas na mayroong hiwà sa ibabaw.

pu•tók

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

May lamat, básag, o anumang pinsala na parang bumuka.
Putók ang tiyan ng mga isdang húli sa pagpapasabog ng dinamita.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.