KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pu•wér•sa

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
fuerza
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Anumang anyo ng lakas o enerhiya na nagdudulot ng paggalaw o pagbabago sa mga bagay.
Nakapirme ang tao sa kinatatayuan dahil sa puwérsa ng gravity.

2. Pamimilit sa sinuman na gawin ang isang bagay (lalo na kung marahas).

3. Lakas ng katawan o lakas sa isang kilos.
Lagyan mo ng puwérsa ang pagkuskos para mapabilis.

4. Tawag sa hukbong sandatahan (lalo kung ibig bigyang-diin ang lakas).
Nagsáma-sáma ang mga puwérsa ng iba’t ibang bansa para sa digmaan.

Paglalapi
  • • pagpuwérsa, pamumuwérsa : Pangngalan
  • • pinuwérsa, puwérsahín: Pandiwa
  • • mapuwérsa, puwersáhan: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.