KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

re•sér•ba

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
reserva
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Anumang itinago, itinabi, o inilaan sa takdang paggamit sa hinaharap o ayon sa lilitaw na pangangailangan.

2. Labis na bahagi ng isang mekanismo upang magamit kung kailangan, gaya ng gulóng.

3. Kasapi ng hukbong sandatahan ng bansa ngunit hindi aktibong naglilingkod.

4. Manlalaro na inihahalili sa ibang manlalaro kung kinakailangan.

re•sér•ba

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
reserva
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

Nakalaan para sa hinaharap, sa anumang pangangailangan, o sa ibang tao.

Paglalapi
  • • pagreresérba: Pangngalan
  • • iparesérba, iresérba, magresérba: Pandiwa
  • • nakaresérba: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.