KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sa•li•tâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. LINGGUWISTIKA Yunit ng wika na binubuo ng isa o higit pang tunog at nagtataglay ng kahulugang ipinahahayag ng isip, kilos, o damdámin (tulad ng "pagkain," "ang," "maglaro," "libro," atbp.).
BÓKA, WIKÀ

2. Tingnan ang wikà

Paglalapi
  • • pagkakasalitâ, pagsasalitâ, pagsásalitáan, panalitâ, pananalitâ, salitáan: Pangngalan
  • • kásasalitâ, magsalitáan, magsalitâ, nagsalitâ, pagsalitaán, pagsalitaín, pagsasálitaín, pinagsalitaán, pinagsalitâ: Pandiwa
  • • masalitâ, pasalitâ, pinagsalitâ : Pang-uri
Idyoma
  • nagsasalitâ sa saríli
    ➞ Gumagawa ng kilos gámit lang ang bibig.
  • hindi makúha sa salitâ
    ➞ Ayaw tumanggap ng pangaral.
  • hindi nagdadalawáng salitâ
    ➞ Ibinibigay agad ang kailangan sa minsang pagsasabi.
  • kinakáin ang salitâ
    ➞ Táong hindi naninindigan sa mga ipinangako o binitawang pahayag.
  • pinagsalitaán
    ➞ Kinagalitan.
  • makakariníg ng mga salitâ
    ➞ Masesermunan, kagagalitan.
  • salitáng barberyá
    ➞ Mahalay na pangungusap; salitáng magaspang at hubad sa katotohanan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.