KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sá•ma

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paghahalo ng isang bagay sa anuman.

2. Pagkuha sa ibang bahagi kalakip ng isa.

3. Pakikilahok sa anumang kilusan o gawain.

4. Pakikisabay sa paglakad o pagtúngo sa isang dáko.

5. Paghahatid sa kapuwa upang maging patnubay.

6. Pag-aasawa o pagpipisan ng dalawang nagkakaibigán.

Paglalapi
  • • kasamahán, kasamá, kasáma, kinakasáma, pagkakasáma, pagsasamahán, pagsasáma, pagsasáma-sáma, pagsáma, pakikisáma: Pangngalan
  • • isáma, magkasáma, magpasáma, magsáma, makasáma, makisáma, masamáhan, masáma, pagsamáhin, pasáma, samáhan, sumasáma, sumáma: Pandiwa
  • • pinagsamáhan, pinagsáma, pinagsáma-sáma, sáma-sáma: Pang-uri
  • • sáma-sáma: Pang-abay
Idyoma
  • sumáma sa lipád
    ➞ Nalinlang ng kalaban dahil sa mga pakitang pagkukunwari; nakiayon o nakiisa.

Sá•ma

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. ANTROPOLOHIYA Mga katutubò na matatagpuan sa lalawigan ng Sulu, Tawi-tawi, Basilan, Zamboanga del Norte, Palawan, at Davao del Norte.

2. LINGGUWISTIKA Tawag din sa wika nilá.

sa•mâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang hindi kanais-nais o hindi mabuti (tulad sa pakiramdam, pag-uugali, pangyayari, katangian, kalagayan, atbp.).
May kimkim na samâ ng loob si Jane sa kaniyang mga magulang.
DÁOT

2. Kapintasan sa sinuman.

Paglalapi
  • • pagsamâ, kasamaán: Pangngalan
  • • ikinasamâ, masamaín, minasamâ, napasamâ, pasamaín, pinasamâ, pinasasamâ, samaán, samaín, sumamâ, sumasamâ: Pandiwa
  • • masamâ, pasamâ, pinasásamâ: Pang-uri
Idyoma
  • samâ ng loób
    ➞ Hinanakit o gálit.
  • samâ ng katawán
    ➞ Bigat ng katawan.
  • samâ ng pakiramdám
    ➞ Karamdáman.
  • samâ ng úlo
    ➞ Sumpong o init ng úlo.
Tambalan
  • • kasamaáng-páladPangngalan

sa•mâ ng pa•na•hón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

METEOROLOHIYA Namumuong hindi magandang kalagayan ng atmospera na maaaring maging bagyo.
Sinuspende ang klase ngayong araw dahil sa samâ ng panahón.

sa•má

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

KOMERSIYO Tingnan ang sósyo

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.