KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sú•kat

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Habà, lápad, o laki ng anuman.

2. Pag-alam kung gaano karami, kalaki, o kahaba sa pamamagitan ng takalán, panukat, o anumang maaaring magamit para dito.

3. LITERATURA Bílang ng mga pantig sa taludtod.

Paglalapi
  • • kasúkat, manunúkat, pagkakasúkat, pagsusúkat, panúkat, sukatán: Pangngalan
  • • ipanúkat, ipasúkat, isúkat, magsúkat, magsúkatan, maipasúkat, pasukátan, pasukátin, sukátan: Pandiwa
  • • panukátan, sukát: Pang-uri

su•kát

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tingnan ang hustó

Idyoma
  • sukát ang bulsá
    ➞ Alam ang kakayahan sa pagbabayad.
    Sukát ko ang kaniyang bulsá kayâ alam kong hindi niya iyon kayang bilhin.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.