KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sum•bóng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsasabi sa kinauukulan ng anumang natuklasang kagagawan na hindi mabuti.
SUPLÓNG

2. Tingnan ang sakdál

3. Anumang paratang sa sinuman na sinabi sa iba.

Paglalapi
  • • pagsusumbóng, sumbungéro, sumbúngan, tagasumbóng: Pangngalan
  • • ipasumbóng, isumbóng, magsumbóng, magsumbúngan, maisumbóng, nagsumbóng, pagsumbungán, pagsumbungín: Pandiwa
  • • palasumbóng: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.