KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tá•wag

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Salitáng pagkakakilanlan ng anumang entidad na ginagamit upang tukuyin ito.

2. Pagsasalita nang malakas na iniuukol sa isang tao na kung malayò upang palapitin.

3. Tawag din sa mga katulad na anyo ng pakikipag-usap onlayn.

4. Pagpapatalastas ng kasal na ipinahahayag ng pari nang tatlong ulit.

5. Paggamit ng telepono upang kausapin ang sinuman.

Paglalapi
  • • katawagán, pagtáwag, panawágan, panáwag, patáwag: Pangngalan
  • • itáwag, magtawág, manawágan, matáwag, tawágan, tawágin, tumáwag: Pandiwa
  • • panáwag, patáwag: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.