KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tú•nay

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nauukol sa anumang umiiral talaga; batay sa katotohanan ng mga pangyayari.
BONA FIDE, TOTOÓ, WASTÔ

2. Alinsunod sa isang orihinal o pamantayan.
LEHÍTIMÓ

3. Tingnan ang tapát

Paglalapi
  • • katunáyan, pagkakapatúnay, pagpapatúnay, patúnay: Pangngalan
  • • magpatúnay, mapatunáyan, patunáyan: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.