KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•bí

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtatagò ng anumang bagay para sa hinaharap.
IMBÁK

2. Tingnan ang ligpít

3. Paglapit sa isang láwas.

4. Paggilid upang umiwas sa anuman.

Paglalapi
  • • pagtatabí: Pangngalan
  • • itabí, magtabí, matabí: Pandiwa
  • • nakatabí: Pang-uri

ta•bí

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kalagayan ng pagiging malápit o dikit sa anuman.
PÍLING

2. Ang dákong nása gilid o pinakamalápit.

3. Pagtúngo sa gilid upang magbigay-daan o umiwas.

Paglalapi
  • • katabí, pagtabí, pagtatabí: Pangngalan
  • • ipagtabí, itabí, magpatabí, magtabí, pagtabihín, tabihán, tumabí: Pandiwa
  • • magkatabí: Pang-uri
Idyoma
  • tabí siyá
    ➞ Daig sa kagandahan.
  • inilagáy sa isáng tabí
    ➞ Winalang halaga.
  • paupuín sa isáng tabí
    ➞ Talunin ang isang tao.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.