KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ti•bág

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Unti-unting pagkalaglag ng lupa, batò, atbp. búhat sa gilid ng bundok dahil kinain ng ulan o hangin, tinangay ng bahâ, o kayâ ay sadyang ginawa ng tao.
BAGBÁG, GIBÂ, GUHÒ

2. Tawag din sa bahaging naapektuhan nitó.

Paglalapi
  • • pagtibág, pantibág: Pangngalan
  • • ipatibág, magtibág, pagtibagín, tibagín: Pandiwa

ti•bág

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Dulang nakabatay sa mga alamat sa paghahanap ng krus na kinamatayan ni Hesukristo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?