KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tin•dá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

KOMERSIYO Mga bagay na ipinagbibili, lalo na kung sa palengke, tindáhan, at iba pang katulad.
Maraming tindá sa bayan tuwing Linggo.
BÉNTA, KALÁKAL, PANINDÁ, PRODÚKTO

Paglalapi
  • • panindá, tindáhan, tindéra: Pangngalan
  • • ipatindá, itindá, magtínda, nagtindá, pagtindahín: Pandiwa
  • • nakatindá: Pang-abay

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?