KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tin•dí

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Mataas na antas ng anumang sensasyon.
Hindi ko na káya ang tindí ng kirot ng súgat ko sa paa.
LALÂ

2. Lakas ng enerhiya o puwersa.
Kakaibang tindí sa pagpalò ng bola ang ipinamalas ng atleta.
SASÂ

Paglalapi
  • • katindihán, panindí : Pangngalan
  • • patindihín, tindihán, tumindí: Pandiwa
  • • matindí: Pang-uri

tin•dí

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Malaking batong idinadagan sa ibabaw ng kababagoong na mga isdang halubaybay upang masinsin at tablan agad ng alat.

tin•dí

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pag-aalis ng tubig sa galapong sa pamamagitan ng paglalagay sa súpot na katsa at pagpapatong ng pabigat.

Paglalapi
  • • katindihán: Pangngalan
  • • tindihán, tumindí: Pandiwa
  • • matindí: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.