KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

á•yos

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paraan ng pagkakalagay o pag-uugnay ng mga bagay.
ÓRDEN, ORDER

2. Tingnan ang kalagáyan

3. Tingnan ang itsúra

Paglalapi
  • • kaayusán, pag-aayós, pag-aáyos-áyos, pag-áyos, pagkakaáyos, tagaáyos: Pangngalan
  • • ayúsan, ayúsin, ináyos, isaáyos, iáyos, mag-áyos, magkaáyos, magpakaáyos, maisaáyos, pag-ayúsin, paáyos, umáyos: Pandiwa
  • • maáyos: Pang-uri
  • • pagkaáyos : Pang-abay

a•yós

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nása wasto o mainam na kalagayan.
AREGLÁDO

2. Maganda ang itsura o bihis.
Bakit ayós na ayós ka ngayon?
BIHÍS, BÓNGGA

3. Gumagana pa; hindi pa sirâ.
Ayós pa ba ’yong computer mo?

á•yos

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Katanggap-tanggap o nakalulugod.
Áyos ang sagot mo sa tanong ko.
TAMÀ, TUMPÁK

2. Nása tamang súkat.
Áyos ang damit na ito sa akin kayâ kukunin ko.
EKSÁKTO, SUKÁT

3. Naaangkop.
Áyos ang kasuotan mo para sa okasyon.
AKMÂ, BÁGAY, ANGKÓP

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?