KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ak•se•sór•ya

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
accesoria
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. TEKNOLOHIYA Labis na piyesa ng makinarya o anumang teknolohiya na nakalaan bílang panghalili sa mga masisira o mawawala.
PAMALÍT, RESÉRBA

2. Anumang palamuti na idinaragdag para sa kagandahan o ginagamit sa pamumustura.
Aksesórya ang nagpapaganda sa simpleng kasuotan.
ACCESSORY

3. Tingnan ang kasabwát

4. Bagay na hindi esensiyal na bahagi ng anuman kung kayâ ay makagagana nang walang ito.

ak•se•sór•ya

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
accesoria
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

Malaking bahay o gusaling nahahati sa mga kuwarto at karaniwan ay pinauupahan.
APÁRTMENT, BÁHAY-PÁUPAHÁN

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.