KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•bi

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagyarì ng tela; pagbuo ng bagay o disenyo gámit ang pinagsalit-salit na sinulid o hibla.
Mabilis at maganda ang hábi ng baróng-tagalog.

2. Paglikhâ ng mga bagay na hindi totoo.
Nakatatakot ang hábi ng kuwento tungkol sa mga batà.

Paglalapi
  • • habíhan, manghahábi, paghábi, pagkahábi: Pangngalan
  • • habíhin, hinábi, humábi, ihábi, ipahábi, magpahábi, pahabíhin: Pandiwa
  • • hinábi: Pang-uri
Idyoma
  • humábi ng katwíran
    ➞ Lumikha ng mga katwirang hindi totoo o gawa-gawa lámang.
    Humábi ng katwíran ang mga mag-aaral kayâ nakalusot sila sa punong-guro ng kanilang paaralan.
  • hábi ng dilà
    ➞ Mga balitang hindi totoo; tsismis.
    Huwag mo siyang paniwalaan, sapagkat ang ibinalita niya sa iyo ay isang hábi ng dilà lámang.

ha•bì

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Kahulugan

Lumigpit o tumabi upang hindi makasagabal.
Habì ka riyan! Nagmamadali ako!
ALÍS, LAYÔ, TABÍ

Paglalapi
  • • paghabì: Pangngalan
  • • humabì: Pandiwa

há•bi

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Yaring katulad ng sa káyo.
Hábi sa pinya ang baróng-tagalog ko.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.