KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hid•wâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Wala sa áyos o hindi tama.
Ang matapat na paglilingkod sa pamahalaan ng mga namumuno rito ang hangad ng mamamayan, hindi ang hidwâ, ang gawain tulad ng pangunguwarta o pagnanakaw.
LISYÂ, LIHÍS, MALÎ, SINSÁY

2. Anumang maanomalya.
DAYÀ, IREGULÁR, TIWALÎ

3. Tingnan ang lában

Paglalapi
  • • humidwâ: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.