KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•kás

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kakayahan ng katawan o ng mga bahagi nitó na makaganap o makagawâ ng anuman.
KUSÓG, PUWÉRSA

2. Tibay, tigas, o itatagal ng anuman.
KALAKÁSAN, TATÁG

3. Tingnan ang puwérsa
Halos masirà ang tambol sa lakás ng palo niya.

4. Tindi sa pandinig.
Sa lakás ng tunog ng sirena, nagising ang sanggol.

5. Tingnan ang impluwénsiyá
Káya mong makapasok sa kompanya sa lakás ng ninong mo.

6. Tingnan ang bisà
Mabilis siyang gumaling dahil sa lakás ng gamot na ininom niya.

7. Ang mabuting takbo ng bilíhan.
Kumita siya nang malakí sa lakás ng tindá ngayón.

Paglalapi
  • • palakásan, pampalakás, pampalakásan: Pangngalan
  • • lakasán, lumakás, magpalakás, makapagpalakás, palakasín: Pandiwa
  • • malakasán, malakás, nakapagpalakás: Pang-uri
Idyoma
  • nagsukatán ng lakás
    ➞ Nag-away o nagsuntukan.
  • lakás-ng-loób
    ➞ Katapangan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.