KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

wi•kà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. LINGGUWISTIKA Sistema ng komunikasyon na mula sa pag-uugnay ng mga tunog at yunit ng kahulugan sa pamamagitan ng mga tuntúnin at prinsipyo.
SALITÂ

2. Tawag din sa alinman sa mga instansiya nitó, gaya ng Filipino, Sebwano, Espanyol, atbp.
LENGGUWÁHE

3. Tingnan ang salitâ

Paglalapi
  • • kawikaàn, pagwikà, salawikaín, sawikaín, wikaín: Pangngalan
  • • magwikà, mapagwikáan, mawikà, nagwikà, pagwikaán, pinagwikaán, wikáin, winikà, winiwikà: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.