KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tá•an

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Anumang inihanda para sa malápit o sa malayong hinaharap.
Táan ko sa kaarawan mo ang baboy na ito.
LAÁN, PATAGÁNA, RESÉRBA, ÚKOL

Paglalapi
  • • pagtatáan, patáan: Pangngalan
  • • ipagtáan, itáan, pagtaánan, pataanán: Pandiwa

tá•an

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Inihahanda para sa malápit o malayong hinaharap.
May kakaníng táan para kay Totoy.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.